Luke 15:2 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ang mga Fariseo at mga eskriba ay nagbulung-bulungan, na nagsasabi, "Tinatanggap ng taong ito ang mga makasalanan at kumakaing kasalo nila."
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Kaya nagreklamo ang mga Pariseo at mga tagapagturo ng Kautusan. Sinabi nila, “Ang taong itoʼy tumatanggap ng mga makasalanan at kumakaing kasama nila.”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At ang mga Fariseo at gayon din ang mga eskriba ay nangagbubulongbulungan, na nangagsasabi, Tinatanggap ng taong ito ang mga makasalanan, at sumasalo sa kanila.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Nagbulung-bulungan naman ang mga Pariseo at mga tagapagturo ng Kautusan. Sabi nila, “Ang taong ito'y nakikisama sa mga makasalanan at nakikisalo sa mga ito.”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Nagbulung-bulungan naman ang mga Pariseo at mga tagapagturo ng Kautusan. Sabi nila, “Ang taong ito'y nakikisama sa mga makasalanan at nakikisalo sa mga ito.”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Nagbulung-bulungan ang mga Pariseo at mga tagapagturo ng Kautusan. Sabi nila, “Ang taong ito'y nakikisama at nakikisalo sa mga makasalanan.”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At ang mga Fariseo at gayon din ang mga eskriba ay nangagbubulongbulungan, na nangagsasabi, Tinatanggap ng taong ito ang mga makasalanan, at sumasalo sa kanila.