Luke 19:11 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Samantalang pinapakinggan nila ang mga bagay na ito, nagpatuloy siya at nagsalaysay ng isang talinghaga, sapagkat siya'y malapit na sa Jerusalem, at sapagkat kanilang inakala na ang kaharian ng Diyos ay mahahayag na kaagad.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Habang nakikinig ang mga tao, ikinuwento ni Jesus sa kanila ang isang talinghaga, dahil malapit na sila sa Jerusalem at ang akala ng mga tao ay makikita na nila ang paghahari ng Dios.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At samantalang pinakikinggan nila ang mga bagay na ito, ay dinugtungan niya at sinalita ang isang talinghaga, sapagkat siyay malapit na sa Jerusalem, at sapagkat kanilang inakala na pagdakay mahahayag ang kaharian ng Dios.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Habang ang mga tao ay nakikinig, isinalaysay din ni Jesus sa kanila ang isa pang talinhaga. Si Jesus ay malapit na noon sa Jerusalem at inakala ng mga tao na magsisimula na ang paghahari ng Diyos.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Habang ang mga tao ay nakikinig, isinalaysay din ni Jesus sa kanila ang isa pang talinhaga. Si Jesus ay malapit na noon sa Jerusalem at inakala ng mga tao na magsisimula na ang paghahari ng Diyos.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Habang ang mga tao ay nakikinig, nagpatuloy si Jesus sa pagsasalita at isinalaysay niya sa kanila ang isang talinghaga. Si Jesus ay malapit na noon sa Jerusalem at inakala ng mga tao na darating na agad ang kaharian ng Diyos.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At samantalang pinakikinggan nila ang mga bagay na ito, ay dinugtungan niya at sinalita ang isang talinghaga, sapagka't siya'y malapit na sa Jerusalem, at sapagka't kanilang inakala na pagdaka'y mahahayag ang kaharian ng Dios.