Luke 21:28 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Kapag nagsimulang mangyari ang mga bagay na ito, tumingala kayo at itaas ninyo ang inyong mga ulo, sapagkat malapit na ang katubusan ninyo."
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Kapag nagsimula nang mangyari ang mga bagay na ito, umasa kayo at maghintay dahil malapit na ang pagliligtas sa inyo.”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Datapuwat kung magpasimulang mangyari ang mga bagay na ito, ay magsitingin kayo, at itaas ninyo ang inyong mga ulo; sapagkat malapit na ang pagkatubos ninyo.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Kapag nagsimula nang mangyari ang mga ito, magalak kayo sapagkat malapit na ang inyong katubusan.”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Kapag nagsimula nang mangyari ang mga ito, magalak kayo sapagkat malapit na ang inyong katubusan.”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Kapag nagsimula nang mangyari ang mga ito, tumayo kayo at tumingala sapagkat malapit na ang pagliligtas sa inyo.”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Datapuwa't kung magpasimulang mangyari ang mga bagay na ito, ay magsitingin kayo, at itaas ninyo ang inyong mga ulo; sapagka't malapit na ang pagkatubos ninyo.