Luke 22:58 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Pagkaraan ng isang sandali ay nakita siya ng isa pa at sinabi, "Ikaw ay isa rin sa kanila." Subalit sinabi ni Pedro, "Ginoo, hindi ako."
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Maya-maya, may nakakita na naman sa kanya at nagsabi, “Kasamahan ka rin nila, di ba?” “Aba, hindi!” sagot ni Pedro.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At pagkaraan ng isang sangdali ay nakita siya ng iba, at sinabi, Ikaw man ay isa sa kanila. Datapuwat sinabi ni Pedro, Lalake, akoy hindi.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Pagkaraan ng ilang sandali, mayroon uling nakapansin sa kanya at siya'y tinanong, “Hindi ba't kasamahan ka rin nila?” Ngunit sumagot siya, “Nagkakamali kayo, Ginoo!”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Pagkaraan ng ilang sandali, mayroon uling nakapansin sa kanya at siya'y tinanong, “Hindi ba't kasamahan ka rin nila?” Ngunit sumagot siya, “Nagkakamali kayo, Ginoo!”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Pagkaraan ng ilang sandali, mayroon uling nakapansin sa kanya at siya'y sinabihan, “Ikaw man ay kasamahan nila.” Ngunit sumagot siya, “Ginoo, hindi nila ako kasama!”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At pagkaraan ng isang sangdali ay nakita siya ng iba, at sinabi, Ikaw man ay isa sa kanila. Datapuwa't sinabi ni Pedro, Lalake, ako'y hindi.