Luke 23:15 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Maging si Herodes man, sapagkat kanyang ibinalik siya sa atin at tingnan ninyo, wala siyang ginawang anumang nararapat sa kamatayan.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Ganoon din ang napatunayan ni Herodes kaya ipinabalik niya si Jesus dito sa akin. Wala siyang nagawang kasalanan upang parusahan ng kamatayan.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Wala, kahit si Herodes man; sapagkat siyay ipinabalik niyang muli sa atin; at narito, walang anomang karapatdapat sa kamatayan na ginawa niya.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Gayundin si Herodes, kaya ipinabalik niya sa atin si Jesus. Hindi siya dapat hatulan ng kamatayan; wala siyang kasalanan.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Gayundin si Herodes, kaya ipinabalik niya sa atin si Jesus. Hindi siya dapat hatulan ng kamatayan; wala siyang kasalanan.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Gayundin si Herodes, kaya ipinabalik niya sa atin ang taong ito. Wala siyang ginawang karapat-dapat para sa hatol na kamatayan.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Wala, kahit si Herodes man; sapagka't siya'y ipinabalik niyang muli sa atin; at narito, walang anomang karapatdapat sa kamatayan na ginawa niya.