Luke 23:8 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Nang makita ni Herodes si Jesus, siya ay tuwang-tuwa, sapagkat matagal na niyang nais na makita siya sapagkat nakabalita siya ng tungkol sa kanya; at siya'y umaasang makakita ng ilang himalang ginawa niya.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Tuwang-tuwa si Herodes nang makita niya si Jesus dahil matagal na niya itong gustong makita, dahil sa mga nababalitaan niya at gusto niyang makita si Jesus na gumagawa ng mga himala.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Nang makita nga ni Herodes si Jesus, ay nagalak siyang lubha: sapagkat malaon nang hinahangad niya na makita siya, sapagkat siyay nakabalita tungkol sa kaniya; at siyay naghihintay na makakita ng ilang himalang gawa niya.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Tuwang-tuwa si Herodes nang makita niya si Jesus. Matagal na niyang ibig makita ito sapagkat marami siyang nababalitaan tungkol dito. Umaasa si Herodes na gagawa si Jesus ng ilang himala, at nais niyang makita iyon.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Tuwang-tuwa si Herodes nang makita niya si Jesus. Matagal na niyang ibig makita ito sapagkat marami siyang nababalitaan tungkol dito. Umaasa si Herodes na gagawa si Jesus ng ilang himala, at nais niyang makita iyon.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Tuwang-tuwa si Herodes nang makita niya si Jesus. Matagal na niyang ibig makita ito sapagkat marami siyang nababalitaan tungkol dito. Umaasa si Herodes na gagawa si Jesus ng ilang himala, at nais niyang makita iyon.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Nang makita nga ni Herodes si Jesus, ay nagalak siyang lubha: sapagka't malaon nang hinahangad niya na makita siya, sapagka't siya'y nakabalita tungkol sa kaniya; at siya'y naghihintay na makakita ng ilang himalang gawa niya.