Luke 24:51 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
At habang binabasbasan niya sila, kanyang iniwan sila [at dinala siya paitaas sa langit].
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
At habang pinagpapala niya sila, iniwan niya sila at iniakyat siya sa langit.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At nangyari, na samantalang silay binabasbasan niya, ay iniwan niya sila; at dinala siya sa itaas sa langit.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Habang iginagawad niya ito, siya nama'y lumalayo paakyat sa langit.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Habang iginagawad niya ito, siya nama'y lumalayo paakyat sa langit.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Habang binabasbasan niya sila, siya'y umalis [at dinala paakyat sa langit].
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At nangyari, na samantalang sila'y binabasbasan niya, ay iniwan niya sila; at dinala siya sa itaas sa langit.