Luke 3:5 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Bawat libis ay matatambakan, at bawat bundok at burol ay papatagin, at ang liko ay tutuwirin, at ang mga baku-bakong daan ay papantayin.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Tambakan ninyo ang mga mababang lugar, at patagin ang mga bundok at burol. Tuwirin ninyo ang liku-likong daan, at ayusin ang mga baku-bakong daan.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Lahat ng libis ay tatambakan, At pababain ang bawat bundok at burol; At ang liko ay matutuwid, At ang mga daang bakobako ay mangapapatag;
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Matatambakan ang bawat libis, at mapapatag ang bawat burol at bundok. Matutuwid ang daang liku-liko, at mapapatag ang daang baku-bako.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Matatambakan ang bawat libis, at mapapatag ang bawat burol at bundok. Matutuwid ang daang liku-liko, at mapapatag ang daang baku-bako.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Matatambakan ang bawat libis, at mapapatag ang bawat burol at bundok. Magiging tuwid ang daang liku-liko, at patag ang daang baku-bako.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Lahat ng libis ay tatambakan, At pababain ang bawa't bundok at burol; At ang liko ay matutuwid, At ang mga daang bakobako ay mangapapatag;