Luke 6:11 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Subalit sila'y napuno ng matinding galit at pinag-usapan nila kung ano ang maaari nilang gawin kay Jesus.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Pero galit na galit ang mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo, kaya pinag-usapan nila kung ano ang dapat gawin kay Jesus.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Datapuwat silay nangapuno ng galit; at nangagsangusapan, kung ano ang kanilang magagawang laban kay Jesus.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Nagngitngit naman sa galit ang mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo, at pinag-usapan nila kung ano ang dapat nilang gawin kay Jesus.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Nagngitngit naman sa galit ang mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo, at pinag-usapan nila kung ano ang dapat nilang gawin kay Jesus.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Nagngitngit naman sa galit ang mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo, at pinag-usapan nila kung ano ang maaari nilang gawin kay Jesus.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Datapuwa't sila'y nangapuno ng galit; at nangagsangusapan, kung ano ang kanilang magagawang laban kay Jesus.