Luke 6:23 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Magalak kayo sa araw na iyon at lumukso kayo sa tuwa, sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit, sapagkat gayundin ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga propeta.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Ganoon din ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga propeta noon. Kaya kung gawin ito sa inyo, magalak kayo at lumukso sa tuwa, dahil malaki ang gantimpala ninyo sa langit.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Mangagalak kayo sa araw na yaon, at magsilukso kayo sa kagalakan; sapagkat narito, ang ganti sa inyoy malaki sa langit; sapagkat sa gayon ding paraan ang ginawa ng kanilang mga magulang sa mga propeta.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Magalak kayo at tumalon sa tuwa kung gayon ang mangyari sa inyo, sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit. Gayundin ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga propeta.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Magalak kayo at tumalon sa tuwa kung gayon ang mangyari sa inyo, sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit. Gayundin ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga propeta.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Magalak kayo at lumukso sa tuwa kung gayon ang mangyari sa inyo, sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit. Gayundin ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga propeta.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Mangagalak kayo sa araw na yaon, at magsilukso kayo sa kagalakan; sapagka't narito, ang ganti sa inyo'y malaki sa langit; sapagka't sa gayon ding paraan ang ginawa ng kanilang mga magulang sa mga propeta.