Luke 8:10 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
sinabi niya, "Sa inyo ipinagkaloob na malaman ang mga hiwaga ng kaharian ng Diyos; subalit sa iba'y nagsasalita ako sa mga talinghaga upang sa pagtingin ay hindi sila makakita, at sa pakikinig ay hindi sila makaunawa.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Sumagot si Jesus, “Ipinagkaloob sa inyo na malaman ang mga lihim tungkol sa paghahari ng Dios, ngunit sa ibaʼy ipinapahayag ito sa pamamagitan ng talinghaga, upang ‘tumingin man silaʼy hindi makakita, at makinig man silaʼy hindi makaunawa.’ ”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At sinabi niya, Sa inyoy ipinagkaloob ang mangakaalam ng mga hiwaga ng kaharian ng Dios: datapuwat sa mga ibay sa mga talinghaga; upang kung magsitingin ay huwag silang mangakakita, at mangakarinig ay huwag silang mangakaunawa.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Sumagot si Jesus, “Ipinagkaloob na sa inyo ang karapatang maunawaan ang hiwaga tungkol sa kaharian ng Diyos, ngunit sa iba'y nagsasalita ako sa pamamagitan ng talinhaga. Nang sa gayon, ‘Tumingin man sila'y hindi sila makakita; at makinig man sila'y hindi sila makaunawa.’”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Sumagot si Jesus, “Ipinagkaloob na sa inyo ang karapatang maunawaan ang hiwaga tungkol sa kaharian ng Diyos, ngunit sa iba'y nagsasalita ako sa pamamagitan ng talinhaga. Nang sa gayon, ‘Tumingin man sila'y hindi sila makakita; at makinig man sila'y hindi sila makaunawa.’”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Sumagot si Jesus, “Ipinagkaloob sa inyo na maunawaan ang mga hiwaga tungkol sa kaharian ng Diyos, ngunit sa iba'y sa pamamagitan ng talinghaga. Nang sa gayon, ‘Tumingin man sila'y hindi sila makakakita; at makinig man sila'y hindi sila makakaunawa.’”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At sinabi niya, Sa inyo'y ipinagkaloob ang mangakaalam ng mga hiwaga ng kaharian ng Dios: datapuwa't sa mga iba'y sa mga talinghaga; upang kung magsitingin ay huwag silang mangakakita, at mangakarinig ay huwag silang mangakaunawa.