Luke 8:3 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
si Juana na asawa ni Chuza, na katiwala ni Herodes, at si Susana at marami pang iba na nagkaloob sa kanila' mula sa kanilang mga ari-arian.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
si Juana na asawa ni Cuza na katiwala ni Herodes, si Susana, at marami pang iba. Ang mga babaeng ito ay tumutulong sa mga pangangailangan nina Jesus mula sa mga ari-arian nila.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At si Juana na asawa ni Chuza, katiwala ni Herodes, at si Susana, at iba pang marami na ipinaglilingkod sa kanila ang kanilang tinatangkilik.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
si Juana na asawa ni Cusa na katiwala ni Herodes, si Susana, at marami pang iba. Sarili nilang salapi ang kanilang ginastos para sa pangangailangan ni Jesus at ng kanyang mga alagad.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
si Juana na asawa ni Cusa na katiwala ni Herodes, si Susana, at marami pang iba. Sarili nilang salapi ang kanilang ginastos para sa pangangailangan ni Jesus at ng kanyang mga alagad.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
si Juana na asawa ni Cusa na katiwala ni Herodes, si Susana, at marami pang iba. Tinustusan ng mga ito mula sa sarili nilang ari-arian ang mga pangangailangan ni Jesus at ng kanyang mga alagad.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At si Juana na asawa ni Chuza, katiwala ni Herodes, at si Susana, at iba pang marami na ipinaglilingkod sa kanila ang kanilang tinatangkilik.