Luke 8:31 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Sila ay nakiusap sa kanya na huwag silang utusang bumalik sa di matarok na kalaliman.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Nagmakaawa ang masasamang espiritu kay Jesus na huwag silang papuntahin sa kailaliman at parusahan doon.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At ipinamamanhik nila sa kaniya na huwag silang paparoonin sa kalalimlaliman.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Nagmamakaawa kay Jesus ang mga demonyo na huwag silang itapon sa kalalimang walang hanggan.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Nagmamakaawa kay Jesus ang mga demonyo na huwag silang itapon sa kalalimang walang hanggan.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Nagmakaawa kay Jesus ang mga demonyo na huwag silang itapon sa kalalimang walang hanggan.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At ipinamamanhik nila sa kaniya na huwag silang paparoonin sa kalalimlaliman.