Luke 9:25 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Sapagkat ano ang mapapakinabang ng tao, kung makamit niya ang buong sanlibutan, ngunit mawawala o mapapahamak naman ang kanyang sarili?
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Ano ba ang mapapala ng isang tao kung mapasakanya man ang lahat ng bagay sa mundo pero mapapahamak naman ang buhay niya? Wala!
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Sapagkat ano ang pakikinabangin ng tao, kung makamtan niya ang buong sanglibutan, at mawawala o mapapahamak ang kaniyang sarili?
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ano nga ang mapapala ng tao, makamtan man niya ang buong daigdig kung ang mapapahamak naman ay ang kanyang sarili.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Ano nga ang mapapala ng tao, makamtan man niya ang buong daigdig kung ang mapapahamak naman ay ang kanyang sarili.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Ano nga ang mapapala ng tao, makamtan man niya ang buong daigdig kung mapapahamak naman at mawawala ang kanyang buhay?
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Sapagka't ano ang pakikinabangin ng tao, kung makamtan niya ang buong sanglibutan, at mawawala o mapapahamak ang kaniyang sarili?