Malachi 1:12 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ngunit inyong nilalapastangan iyon kapag inyong sinasabi na ang hapag ng PANGINOON ay nadungisan, at bunga nito, ang pagkain niya ay hamak.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Pero kayo, nilalapastangan ninyo ako, dahil sinasabi ninyong marumi ang aking altar at walang kabuluhan ang mga inihahandog doon.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Ngunit inyong nilapastangan na inyong sinasabi, Ang dulang ng Panginoon ay nadumhan, at ang laman niyaon, sa makatuwid bagay ang hain doon ay hamak.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ngunit dinudungisan ninyo ang pangalan ko tuwing sinasabi ninyo na walang kabuluhan ang aking altar at tuwing naghahandog kayo doon ng mga pagkaing walang halaga!
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Ngunit dinudungisan ninyo ang pangalan ko tuwing sinasabi ninyo na walang kabuluhan ang aking altar at tuwing naghahandog kayo doon ng mga pagkaing walang halaga!
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Ngunit dinudungisan ninyo ang pangalan ko tuwing sinasabi ninyo na walang kabuluhan ang aking altar at tuwing naghahandog kayo doon ng mga pagkaing walang halaga!
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Nguni't inyong nilapastangan na inyong sinasabi, Ang dulang ng Panginoon ay nadumhan, at ang laman niyaon, sa makatuwid baga'y ang hain doon ay hamak.