Malachi 2:13 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ito rin ay inyong ginagawa: Tinatakpan ninyo ang dambana ng PANGINOON ng mga luha, ng pagtangis, at ng pagdaing, sapagkat hindi na niya nililingap ang handog, ni tinatanggap na may kasiyahan sa inyong kamay.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Ito pa ang inyong ginagawa: Iyak kayo nang iyak sa altar ng Panginoon dahil hindi na niya pinapansin ang inyong mga handog at hindi na siya nalulugod sa mga iyon.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At itoy muli ninyong ginagawa: inyong tinatakpan ang dambana ng Panginoon ng mga luha, ng tangis, at ng buntong hininga, na anopat hindi na niya nililingap ang handog ni tinatanggap man sa inyong kamay na may lugod.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Kahit pa diligin ninyo ng luha ang altar niya, kahit pa manangis kayo't dumaing, hindi na niya kaluluguran ang mga handog ninyo sa kanya.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Kahit pa diligin ninyo ng luha ang altar niya, kahit pa manangis kayo't dumaing, hindi na niya kaluluguran ang mga handog ninyo sa kanya.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Kahit pa diligin ninyo ng luha ang altar niya, kahit pa manangis kayo't dumaing, hindi na niya kaluluguran ang mga handog ninyo sa kanya.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At ito'y muli ninyong ginagawa: inyong tinatakpan ang dambana ng Panginoon ng mga luha, ng tangis, at ng buntong hininga, na anopa't hindi na niya nililingap ang handog ni tinatanggap man sa inyong kamay na may lugod.