Malachi 2:17 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Inyong niyamot ang PANGINOON ng inyong mga salita. Gayunma'y sinasabi ninyo, "Paano namin siya niyamot?" Sa inyong pagsasabi, "Bawat gumagawa ng kasamaan ay mabuti sa paningin ng PANGINOON, at sila'y kanyang kinalulugdan." O sa pagtatanong, "Nasaan ang Diyos ng katarungan?"
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Sawang-sawa na ang Panginoon sa inyong mga sinasabi. Pero itinatanong pa ninyo, “Ano ang ikinasasawa niya sa amin?” Sinasabi ninyo na mabuti sa paningin ng Dios ang lahat ng gumagawa ng masama at natutuwa siya sa kanila. Pakutya ninyong sinasabi, “Nasaan na ang Dios ng katarungan?”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Inyong niyamot ang Panginoon ng inyong mga salita. Gayon may inyong sinasabi, Sa ano namin niyamot siya? Na inyong sinasabi, Bawat gumagawa ng kasamaan ay mabuti sa paningin ng Panginoon, at kaniyang kinalulugdan sila; o saan nandoon ang Dios ng kahatulan.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Sawang-sawa na si Yahweh sa inyong mga sinasabi. Subalit itinatanong pa ninyo, “Bakit siya nagsasawa?” Sinasabi ninyong mahal ni Yahweh ang mga gumagawa ng kasamaan at nalulugod siya sa kanila. Itinatanong din ninyo, “Nasaan ang Diyos na makatarungan?”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Sawang-sawa na si Yahweh sa inyong mga sinasabi. Subalit itinatanong pa ninyo, “Bakit siya nagsasawa?” Sinasabi ninyong mahal ni Yahweh ang mga gumagawa ng kasamaan at nalulugod siya sa kanila. Itinatanong din ninyo, “Nasaan ang Diyos na makatarungan?”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Sawang-sawa na si Yahweh sa inyong mga sinasabi. Subalit itinatanong pa ninyo, “Bakit siya nagsasawa?” Sinasabi ninyong mahal ni Yahweh ang mga gumagawa ng kasamaan at nalulugod siya sa kanila. Itinatanong din ninyo, “Nasaan ang Diyos na makatarungan?”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Inyong niyamot ang Panginoon ng inyong mga salita. Gayon ma'y inyong sinasabi, Sa ano namin niyamot siya? Na inyong sinasabi, Bawa't gumagawa ng kasamaan ay mabuti sa paningin ng Panginoon, at kaniyang kinalulugdan sila; o saan nandoon ang Dios ng kahatulan.