Mark 13:11 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Kapag kayo'y dinala nila sa paglilitis at kayo'y ipinadakip, huwag kayong mabalisa kung ano ang inyong sasabihin, ngunit sabihin ninyo ang anumang ipagkaloob sa inyo sa oras na iyon, sapagkat hindi kayo ang magsasalita, kundi ang Espiritu Santo.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Kapag dinakip kayo at iniharap sa hukuman, huwag kayong mag-alala kung ano ang sasabihin ninyo. Bastaʼt sabihin ninyo ang ipinapasabi ng Banal na Espiritu sa oras na iyon. Sapagkat hindi kayo ang magsasalita kundi ang Banal na Espiritu sa pamamagitan ninyo.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At pagka kayoy dinala sa harap ng mga kapulungan, at kayoy ibigay, ay huwag kayong mangabalisa kung ano ang inyong sasabihin: datapuwat ang ipagkaloob sa inyo sa oras na yaon, ay siya ninyong sabihin; sapagkat hindi kayo ang magsasalita, kundi ang Espiritu Santo.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Kapag kayo'y dinakip nila upang litisin, huwag kayong mababahala kung ano ang sasabihin ninyo. Sa oras na iyon, sasabihin ninyo ang dapat ninyong sabihin, sapagkat hindi kayo ang magsasalita; ang inyong mga sasabihin ay manggagaling sa Espiritu Santo.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Kapag kayo'y dinakip nila upang litisin, huwag kayong mababahala kung ano ang sasabihin ninyo. Sa oras na iyon, sasabihin ninyo ang dapat ninyong sabihin, sapagkat hindi kayo ang magsasalita; ang inyong mga sasabihin ay manggagaling sa Espiritu Santo.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Kapag kayo'y dinakip nila at nilitis, huwag kayong mabahala kung ano ang sasabihin ninyo. Sa oras na iyon, sabihin ninyo ang mga salitang ibibigay sa inyo, sapagkat hindi kayo ang magsasalita, kundi ang Espiritu Santo.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At pagka kayo'y dinala sa harap ng mga kapulungan, at kayo'y ibigay, ay huwag kayong mangabalisa kung ano ang inyong sasabihin: datapuwa't ang ipagkaloob sa inyo sa oras na yaon, ay siya ninyong sabihin; sapagka't hindi kayo ang magsasalita, kundi ang Espiritu Santo.