Mark 14:71 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ngunit siya'y nagsimulang magmura at sumumpa, "Hindi ko nakikilala ang taong ito na inyong sinasabi."
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Pero sumumpa si Pedro, “Kahit mamatay man ako, hindi ko talaga kilala ang taong sinasabi ninyo.”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Datapuwat siyay nagpasimulang manungayaw, at manumpa, Hindi ko nakikilala ang taong ito na inyong sinasabi.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
“Mamatay man ako, talagang hindi ko nakikilala ang taong iyan!” sagot ni Pedro.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
“Mamatay man ako, talagang hindi ko nakikilala ang taong iyan!” sagot ni Pedro.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
“Parusahan nawa ako ng Diyos kung nagsisinungaling ako! Hindi ko kilala ang taong iyan,” sagot ni Pedro.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Datapuwa't siya'y nagpasimulang manungayaw, at manumpa, Hindi ko nakikilala ang taong ito na inyong sinasabi.