Mark 2:25 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
At sinabi niya sa kanila, "Kailanman ba'y hindi ninyo nabasa ang ginawa ni David nang siya at ang kanyang mga kasamahan ay nagutom at nangailangan ng pagkain?
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Sinagot sila ni Jesus, “Hindi nʼyo ba nabasa sa Kasulatan ang ginawa ni David at ng mga kasama niya nang magutom sila at walang makain?
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At sinabi niya sa kanila, Kailan man bagay hindi ninyo nabasa ang ginawa ni David, nang siyay mangailangan, at magutom, siya, at ang kaniyang mga kasamahan?
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Sinagot naman sila ni Jesus, “Hindi pa ba ninyo nababasa ang ginawa ni David noong panahong si Abiatar ang pinakapunong pari? Nang si David at ang kanyang mga kasama'y magutom at walang makain, pumasok siya sa bahay ng Diyos at kumain ng tinapay na handog sa Diyos. Binigyan pa niya ang kanyang mga kasamahan. Ayon sa Kautusan, ang mga pari lamang ang may karapatang kumain niyon.”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Sinagot naman sila ni Jesus, “Hindi pa ba ninyo nababasa ang ginawa ni David noong panahong si Abiatar ang pinakapunong pari? Nang si David at ang kanyang mga kasama'y magutom at walang makain, pumasok siya sa bahay ng Diyos at kumain ng tinapay na handog sa Diyos. Binigyan pa niya ang kanyang mga kasamahan. Ayon sa Kautusan, ang mga pari lamang ang may karapatang kumain niyon.”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)

Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At sinabi niya sa kanila, Kailan man baga'y hindi ninyo nabasa ang ginawa ni David, nang siya'y mangailangan, at magutom, siya, at ang kaniyang mga kasamahan?