Mark 4:38 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ngunit siya'y nasa hulihan ng bangka at natutulog na may inuunan. Siya'y ginising nila, at sinabi sa kanya, "Guro, hindi ka ba nababahala na mapapahamak tayo?"
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Si Jesus ay nasa hulihan ng bangka at natutulog ng nakaunan. Ginising siya ng mga tagasunod niya, “Guro, malulunod na tayo! Balewala lang ba ito sa inyo?”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At siyay natutulog sa hulihan sa ibabaw ng kutson; at siyay ginising nila, at sinabi sa kaniya, Guro, wala bagang anoman sa iyo na mapahamak tayo?
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Si Jesus ay natutulog noon sa may hulihan ng bangka, nakahilig sa isang unan. Ginising siya ng mga alagad at sinabi, “Guro, bale-wala ba sa inyo kung mapahamak kami?”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Si Jesus ay natutulog noon sa may hulihan ng bangka, nakahilig sa isang unan. Ginising siya ng mga alagad at sinabi, “Guro, bale-wala ba sa inyo kung mapahamak kami?”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Si Jesus ay natutulog noon sa may hulihan ng bangka, nakahilig sa isang unan. Ginising siya ng mga alagad at sinabi, “Guro, balewala ba sa inyo kung mapahamak kami?”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At siya'y natutulog sa hulihan sa ibabaw ng kutson; at siya'y ginising nila, at sinabi sa kaniya, Guro, wala bagang anoman sa iyo na mapahamak tayo?