Mark 7:37 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Sila'y labis na namangha na nagsasabi, "Mabuti ang pagkagawa niya sa lahat ng mga bagay; kanya pang ginagawang makarinig ang bingi at pinapagsasalita ang pipi."
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Manghang-mangha ang mga tao, at sinabi nila, “Napakagaling ng ginawa niya! Kahit mga pipiʼt bingi ay nagagawa niyang pagalingin!”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At silay nangagtataka ng di kawasa, na nangagsasabi, Mabuti ang pagkagawa niya sa lahat ng mga bagay; kaniyang binibigyang pakinig pati ng mga bingi, at pinapagsasalita ang mga pipi.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Buong paghangang sinasabi nila, “Ang lahat ng kanyang ginagawa ay napakabuti! Pinapagaling pa niya ang mga bingi at pipi!”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Buong paghangang sinasabi nila, “Ang lahat ng kanyang ginagawa ay napakabuti! Pinapagaling pa niya ang mga bingi at pipi!”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Buong paghangang sinasabi nila, “Napakahusay ng lahat ng kanyang ginagawa! Binibigyan niya ng pandinig ang mga bingi at pinapagsalita ang mga pipi!”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At sila'y nangagtataka ng di kawasa, na nangagsasabi, Mabuti ang pagkagawa niya sa lahat ng mga bagay; kaniyang binibigyang pakinig pati ng mga bingi, at pinapagsasalita ang mga pipi.