Mark 9:39 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ngunit sinabi ni Jesus, "Huwag ninyo siyang pagbawalan, sapagkat walang taong gumagawa ng makapangyarihang gawa sa pangalan ko ang agad na makapagsasalita ng masama tungkol sa akin.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Pero sinabi ni Jesus, “Huwag nʼyo siyang pagbawalan, dahil walang sinumang gumagawa ng himala sa aking pangalan ang magsasalita ng masama laban sa akin.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Datapuwat sinabi ni Jesus, Huwag ninyong pagbawalan siya: sapagkat walang taong gumagawa ng makapangyarihang gawa sa pangalan ko, na pagdakay makapagsasalita ng masama tungkol sa akin.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ngunit sinabi ni Jesus, “Huwag ninyo siyang pagbawalan sapagkat ang taong gumagawa ng himala sa pamamagitan ng pangalan ko ay hindi agad magsasalita ng masama laban sa akin.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Ngunit sinabi ni Jesus, “Huwag ninyo siyang pagbawalan sapagkat ang taong gumagawa ng himala sa pamamagitan ng pangalan ko ay hindi agad magsasalita ng masama laban sa akin.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Ngunit sinabi ni Jesus, “Huwag ninyo siyang pagbawalan sapagkat ang taong gumagawa ng himala sa pamamagitan ng pangalan ko ay hindi magsasalita ng masama laban sa akin pagkatapos gawin ito.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Datapuwa't sinabi ni Jesus, Huwag ninyong pagbawalan siya: sapagka't walang taong gumagawa ng makapangyarihang gawa sa pangalan ko, na pagdaka'y makapagsasalita ng masama tungkol sa akin.