Matthew 15:6 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Kaya, pinawalang-saysay ninyo ang salitang ng Diyos dahil sa inyong tradisyon.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
hindi na niya kailangang tumulong sa kanila. Pinawawalang-halaga ninyo ang utos ng Dios dahil sa inyong mga tradisyon.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Ay hindi niya igagalang ang kaniyang ama. At niwalan ninyong kabuluhan ang salita ng Dios dahil sa inyong salit-saling sabi.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
hindi na niya kailangang tulungan ang kanyang ama. Pinawawalang-kabuluhan ninyo ang salita ng Diyos masunod lamang ninyo ang inyong minanang mga katuruan.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
hindi na niya kailangang tulungan ang kanyang ama. Pinawawalang-kabuluhan ninyo ang salita ng Diyos masunod lamang ninyo ang inyong minanang mga katuruan.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
hindi na niya kailangang tulungan ang kanyang ama [at ang kanyang ina]. Pinawawalang-kabuluhan ninyo ang salita ng Diyos masunod lamang ninyo ang inyong minanang mga katuruan.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Ay hindi niya igagalang ang kaniyang ama. At niwalan ninyong kabuluhan ang salita ng Dios dahil sa inyong sali't-saling sabi.