Matthew 21:41 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Sinabi nila sa kanya, "Dadalhin niya ang mga masasamang taong iyon sa kakilakilabot na kamatayan at ang ubasan ay ipagkakatiwala niya sa ibang mga magsasaka na magbibigay sa kanya ng mga bunga sa kanilang kapanahunan."
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Sumagot ang mga tao, “Tiyak na papatayin niya ang masasamang taong iyon, at pauupahan niya ang kanyang ubasan sa ibang magsasakang magbibigay sa kanya ng parte niya sa bawat panahon ng pamimitas.”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Sinabi nila sa kaniya, Pupuksaing walang awa ang mga tampalasang yaon, at ibibigay ang ubasan sa mga ibang magsasaka, na sa kaniyay mangagbibigay ng mga bunga sa kanilang kapanahunan.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Sumagot sila, “Lilipulin niya ang mga masasamang iyon at paaalagaan ang ubasan sa ibang katiwala na magbibigay sa kanya ng kaparte sa panahon ng pamimitas.”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Sumagot sila, “Lilipulin niya ang mga masasamang iyon at paaalagaan ang ubasan sa ibang katiwala na magbibigay sa kanya ng kaparte sa panahon ng pamimitas.”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Sumagot sila, “Papatayin niya sa kakila-kilabot na paraan ang masasamang iyon at pauupahan ang ubasan sa ibang magsasaka na magbibigay sa kanya ng kanyang bahagi sa panahon ng pamimitas.”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Sinabi nila sa kaniya, Pupuksaing walang awa ang mga tampalasang yaon, at ibibigay ang ubasan sa mga ibang magsasaka, na sa kaniya'y mangagbibigay ng mga bunga sa kanilang kapanahunan.