Matthew 21:42 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Sinabi ni Jesus sa kanila, "Hindi ba ninyo kailanman nabasa sa mga kasulatan, 'Ang batong itinakuwil ng mga tagapagtayo ang siyang naging ulo ng panulukan; ito ay mula sa Panginoon, at ito'y kamanghamangha sa ating mga mata?'
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Sinabi sa kanila ni Jesus, “Hindi ba ninyo nabasa ang talatang ito sa Kasulatan? ‘Ang batong tinanggihan ng mga tagapagtayo ng bahay ang siyang naging batong pundasyon. Gawa ito ng Panginoon at kahanga-hanga ito sa atin!’
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Sinabi sa kanila ni Jesus, Kailan man bagay hindi ninyo nabasa sa mga kasulatan, Ang batong itinakuwil ng nangagtatayo ng gusali, Ang siya ring ginawang pangulo sa panulok; Itoy mula sa Panginoon, At itoy kagilagilalas sa harap ng ating mga mata?
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Nagpatuloy si Jesus, “Hindi pa ba ninyo nababasa ang talatang ito sa Kasulatan? ‘Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ng bahay ang siyang naging batong-panulukan. Ginawa ito ng Panginoon, at ito'y kahanga-hangang pagmasdan!’
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Nagpatuloy si Jesus, “Hindi pa ba ninyo nababasa ang talatang ito sa Kasulatan? ‘Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ng bahay ang siyang naging batong-panulukan. Ginawa ito ng Panginoon, at ito'y kahanga-hangang pagmasdan!’
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Nagpatuloy si Jesus, “Hindi ba ninyo nabasa sa Kasulatan? ‘Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ng bahay ang siyang naging batong-panulukan. Ginawa ito ng Panginoon, at ito'y kahanga-hangang pagmasdan!’
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Sinabi sa kanila ni Jesus, Kailan man baga'y hindi ninyo nabasa sa mga kasulatan, Ang batong itinakuwil ng nangagtatayo ng gusali, Ang siya ring ginawang pangulo sa panulok; Ito'y mula sa Panginoon, At ito'y kagilagilalas sa harap ng ating mga mata?