Matthew 23:18 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
At sinasabi ninyo, 'Kung ipanumpa ninuman ang dambana, ay wala iyong kabuluhan, ngunit kung ipanumpa ninuman ang handog na nasa ibabaw nito, siya ay may pananagutan.'
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Itinuturo rin ninyo na kung manunumpa ang isang tao sa altar, hindi niya ito kailangang tuparin. Ngunit kung manunumpa siya sa handog na nasa altar, dapat niya itong tuparin.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At, kung ipanumpa ninoman ang dambana, ay walang anoman; datapuwat kung ipanumpa ninoman ang handog na nasa ibabaw nito, ay nagkakautang nga siya.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Sinasabi rin ninyo na kung gagamitin ninuman ang dambana sa panunumpa, walang anuman ito. Ngunit kung ang gagamitin niya ay ang handog na nasa dambana, dapat niyang tuparin ang kanyang sumpa.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Sinasabi rin ninyo na kung gagamitin ninuman ang dambana sa panunumpa, walang anuman ito. Ngunit kung ang gagamitin niya ay ang handog na nasa dambana, dapat niyang tuparin ang kanyang sumpa.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Sinasabi rin ninyo na kung gagamitin ninuman ang dambana sa panunumpa, walang halaga ito. Ngunit kung ang gagamitin niya ay ang handog na nasa dambana, dapat niyang tuparin ang kanyang sumpa.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At, kung ipanumpa ninoman ang dambana, ay walang anoman; datapuwa't kung ipanumpa ninoman ang handog na nasa ibabaw nito, ay nagkakautang nga siya.