Matthew 26:23 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Sumagot siya at sinabi, "Ang kasabay kong nagsawsaw ng kanyang kamay sa mangkok ang siyang magkakanulo sa akin.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Sumagot siya, “Ang kasabay kong sumawsaw ng tinapay sa mangkok ang siyang magtatraydor sa akin.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At siyay sumagot at sinabi, Yaong kasabay kong idampot ang kamay sa pinggan, ay siya ring magkakanulo sa akin.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Sumagot si Jesus, “Ang kasabay kong sumawsaw sa mangkok ang siyang magkakanulo sa akin.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Sumagot si Jesus, “Ang kasabay kong sumawsaw sa mangkok ang siyang magkakanulo sa akin.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Sumagot si Jesus, “Ang kasabay kong nagsawsaw sa mangkok ang siyang magkakanulo sa akin.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At siya'y sumagot at sinabi, Yaong kasabay kong idampot ang kamay sa pinggan, ay siya ring magkakanulo sa akin.