Matthew 27:13 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
At sinabi ni Pilato sa kanya, "Hindi mo ba naririnig kung gaano karaming bagay ang kanilang ipinaparatang laban sa iyo?"
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Kaya tinanong siyang muli ni Pilato, “Bakit ayaw mong sagutin ang mga paratang nila sa iyo?”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Nang magkagayoy sinabi sa kaniya ni Pilato, Hindi mo baga naririnig kung gaano karaming bagay ang kanilang sinasaksihang laban sa iyo?
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Kaya't sinabi sa kanya ni Pilato, “Hindi mo ba narinig ang paratang nila laban sa iyo?”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Kaya't sinabi sa kanya ni Pilato, “Hindi mo ba narinig ang paratang nila laban sa iyo?”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Kaya't sinabi sa kanya ni Pilato, “Hindi mo ba naririnig ang marami nilang paratang laban sa iyo?”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Nang magkagayo'y sinabi sa kaniya ni Pilato, Hindi mo baga naririnig kung gaano karaming bagay ang kanilang sinasaksihang laban sa iyo?