Matthew 7:15 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
"Mag-ingat kayo sa mga bulaang propeta, na lumalapit sa inyo na may damit tupa, ngunit sa loob ay mga ganid na asong-gubat.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
“Mag-ingat kayo sa mga huwad na propeta. Lumalapit sila sa inyo na parang mga maamong tupa, pero ang totoo, tulad sila ng mga gutom na lobo.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Mangagingat kayo sa mga bulaang propeta, na nagsisilapit sa inyo na may damit tupa, datapuwat sa loob ay mga lobong maninila.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
“Mag-ingat kayo sa mga hindi tunay na propeta. Lumalapit sila sa inyo na parang tupa, ngunit ang totoo'y mababangis na asong-gubat.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
“Mag-ingat kayo sa mga hindi tunay na propeta. Lumalapit sila sa inyo na parang tupa, ngunit ang totoo'y mababangis na asong-gubat.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
“Mag-ingat kayo sa mga huwad na propeta. Lumalapit sila sa inyo na parang tupa, ngunit ang totoo'y mababangis na asong-gubat.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Mangagingat kayo sa mga bulaang propeta, na nagsisilapit sa inyo na may damit tupa, datapuwa't sa loob ay mga lobong maninila.