Matthew 8:13 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Sinabi ni Jesus sa senturion, "Humayo ka na; mangyayari para sa iyo ang ayon sa iyong pananampalataya." At gumaling nga ang alipin nang oras ding iyon.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
At sinabi ni Jesus sa kapitan, “Umuwi ka na. Mangyayari ang hinihiling mo ayon sa iyong pananampalataya.” At nang oras ding iyon ay gumaling ang utusan ng kapitan.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At sinabi ni Jesus sa senturion, Humayo ka ng iyong lakad; at ayon sa iyong pagsampalataya, ay gayon ang sa iyoy mangyari. At gumaling ang kaniyang alila sa oras ding yaon.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
At sinabi ni Jesus sa opisyal, “Umuwi ka na; mangyayari ang hinihiling mo ayon sa iyong pananampalataya.” Sa oras ding iyon ay gumaling ang katulong ng kapitan.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
At sinabi ni Jesus sa opisyal, “Umuwi ka na; mangyayari ang hinihiling mo ayon sa iyong pananampalataya.” Sa oras ding iyon ay gumaling ang katulong ng kapitan.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
At sinabi ni Jesus sa opisyal, “Umuwi ka na; mangyayari ang hinihiling mo ayon sa iyong pananampalataya.” Sa oras ding iyon ay gumaling ang katulong ng kapitan.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At sinabi ni Jesus sa senturion, Humayo ka ng iyong lakad; at ayon sa iyong pagsampalataya, ay gayon ang sa iyo'y mangyari. At gumaling ang kaniyang alila sa oras ding yaon.