Nahum 1:14 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ang PANGINOON ay nagbigay ng utos tungkol sa iyo: "Hindi na magpapatuloy ang iyong pangalan, mula sa bahay ng iyong mga diyos ay aking ihihiwalay ang larawang inanyuan at ang larawang hinulma. Aking gagawin ang iyong libingan, sapagkat ikaw ay walang halaga."
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Ito naman ang sinasabi ng Panginoon sa mga taga-Asiria: “Mawawala ang lahi ninyo at wawasakin ko ang mga rebulto ninyong kahoy o metal sa templo ng inyong mga dios-diosan. Ihahanda ko na ang inyong mga libingan dahil hindi na kayo dapat mabuhay.”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At ang Panginoon ay nagbigay utos tungkol sa iyo, na hindi na matatatag ang iyong pangalan: sa bahay ng iyong mga dios ay aking ihihiwalay ang larawang inanyuan at ang larawang binubo; aking gagawin ang iyong libingan; sapagkat ikaw ay hamak.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ito ang pahayag ni Yahweh tungkol sa Asiria: “Malilipol ang lahi ninyo, wala nang magdadala ng inyong pangalan; aalisin ko sa mga templo ng inyong mga diyos ang mga imahen na nililok ng kamay. Ipaghahanda ko kayo ng libingan sapagkat wala kayong karapatang mabuhay.”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Ito ang pahayag ni Yahweh tungkol sa Asiria: “Malilipol ang lahi ninyo, wala nang magdadala ng inyong pangalan; aalisin ko sa mga templo ng inyong mga diyos ang mga imahen na nililok ng kamay. Ipaghahanda ko kayo ng libingan sapagkat wala kayong karapatang mabuhay.”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Ito ang pahayag ni Yahweh tungkol sa Asiria: “Malilipol ang lahi ninyo, wala nang magdadala ng inyong pangalan; aalisin ko sa mga templo ng inyong mga diyos ang mga imahen na nililok ng kamay. Ipaghahanda ko kayo ng libingan sapagkat wala kayong karapatang mabuhay.”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At ang Panginoon ay nagbigay utos tungkol sa iyo, na hindi na matatatag ang iyong pangalan: sa bahay ng iyong mga dios ay aking ihihiwalay ang larawang inanyuan at ang larawang binubo; aking gagawin ang iyong libingan; sapagka't ikaw ay hamak.