Nehemiah 12:47 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ang buong Israel sa mga araw ni Zerubabel at sa mga araw ni Nehemias ay nagbigay ng mga pang-araw-araw na bahagi sa mga mang-aawit at sa mga bantay-pinto, at kanilang itinalaga sa mga Levita; at ibinukod ng mga Levita ang para sa mga anak ni Aaron.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Kaya noong panahon ni Zerubabel at ni Nehemias, ang lahat ng mga Israelita ay nagbibigay ng mga handog nila para sa mga mang-aawit at mga guwardya ng mga pintuan ng templo, maging sa mga Levita. At mula sa mga natatanggap nila binahaginan din ng mga Levita ang mga paring mula sa angkan ni Aaron.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At ang buong Israel sa mga kaarawan ni Zorobabel, at sa mga kaarawan ni Nehemias, ay nangagbigay ng mga bahagi ng mga mangaawit, at mga tagatanod-pinto, ayon sa kailangan sa bawat araw: at kanilang itinalaga sa mga Levita; at itinalaga ng mga Levita sa mga anak ni Aaron.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Sa panahon naman ni Zerubabel at ni Nehemias, ibinibigay ng buong Israel ang kanilang mga kaloob araw-araw para sa pangangailangan ng mga mang-aawit at ng mga bantay sa Templo. Ibinibigay nila ang handog para sa mga Levita at ibinibigay naman ng mga Levita sa mga pari ang bahagi ng mga ito.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Sa panahon naman ni Zerubabel at ni Nehemias, ibinibigay ng buong Israel ang kanilang mga kaloob araw-araw para sa pangangailangan ng mga mang-aawit at ng mga bantay sa Templo. Ibinibigay nila ang handog para sa mga Levita at ibinibigay naman ng mga Levita sa mga pari ang bahagi ng mga ito.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Sa panahon naman ni Zerubabel at ni Nehemias, ibinibigay ng buong Israel ang kanilang mga kaloob araw-araw para sa pangangailangan ng mga mang-aawit at ng mga bantay sa Templo. Ibinibigay nila ang handog para sa mga Levita at ibinibigay naman ng mga Levita sa mga pari ang bahagi ng mga ito.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At ang buong Israel sa mga kaarawan ni Zorobabel, at sa mga kaarawan ni Nehemias, ay nangagbigay ng mga bahagi ng mga mangaawit, at mga tagatanod-pinto, ayon sa kailangan sa bawa't araw: at kanilang itinalaga sa mga Levita; at itinalaga ng mga Levita sa mga anak ni Aaron.