Nehemiah 13:7 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
at dumating sa Jerusalem. Doon ko natuklasan ang kasamaang ginawa ni Eliasib para kay Tobias, na ipinaghanda niya ito ng isang silid sa mga bulwagan ng bahay ng Diyos.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
na makabalik sa Jerusalem. At pagdating ko, nalaman ko ang masamang ginawa ni Eliashib na nagpatira kay Tobia sa kwarto na nasa harapan ng templo ng Dios.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At akoy naparoon sa Jerusalem, at naalaman ko ang kasamaang ginawa ni Eliasib tungkol kay Tobias, sa paghahanda niya sa kaniya ng isang silid sa mga looban ng bahay ng Dios.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Hindi nagtagal at ako'y pinahintulutan niyang makabalik sa Jerusalem. Noon ko natuklasang binigyan pala ni Eliasib si Tobias ng silid sa loob ng Templo.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Hindi nagtagal at ako'y pinahintulutan niyang makabalik sa Jerusalem. Noon ko natuklasang binigyan pala ni Eliasib si Tobias ng silid sa loob ng Templo.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Hindi nagtagal at ako'y pinahintulutan niyang makabalik sa Jerusalem. Noon ko natuklasang binigyan pala ni Eliasib si Tobias ng silid sa loob ng Templo.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At ako'y naparoon sa Jerusalem, at naalaman ko ang kasamaang ginawa ni Eliasib tungkol kay Tobias, sa paghahanda niya sa kaniya ng isang silid sa mga looban ng bahay ng Dios.