Nehemiah 7:5 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Inilagay ng Diyos sa aking puso na tipunin ang mga maharlika, mga pinuno, at ang taong-bayan upang magpatala ayon sa talaan ng lahi. Aking natagpuan ang aklat ng talaan ng lahi ng mga nagsiahon noong una, at aking natagpuang nakasulat doon:
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Kaya ipinaisip ng aking Dios sa akin na tipunin ang mga pinuno, mga opisyal, at iba pang mga naninirahan para maitala sila ayon sa bawat pamilya. Nakita ko ang listahan ng mga pamilya na unang bumalik mula sa pagkabihag. Ito ang nakatala roon:
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At inilagak ng aking Dios sa aking puso na pisanin ang mga mahal na tao, at ang mga pinuno, at ang bayan, upang mangabilang ayon sa talaan ng lahi. At aking nasumpungan ang aklat ng talaan ng lahi nila na nagsiahon noong una, at aking nasumpungang nakasulat doon:
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Pinangunahan ako ng Diyos upang tipunin ang mga tao at ang kanilang mga pinuno at mga hukom para suriin ang listahan ng kanilang mga angkan. Natagpuan ko ang listahan ng mga angkan na unang nagbalik mula sa pagkabihag sa Babilonia.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Pinangunahan ako ng Diyos upang tipunin ang mga tao at ang kanilang mga pinuno at mga hukom para suriin ang listahan ng kanilang mga angkan. Natagpuan ko ang listahan ng mga angkan na unang nagbalik mula sa pagkabihag sa Babilonia.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Pinangunahan ako ng Diyos upang tipunin ang mga tao at ang kanilang mga pinuno at mga hukom para suriin ang listahan ng kanilang mga angkan. Natagpuan ko ang listahan ng mga angkan na unang nagbalik mula sa pagkabihag sa Babilonia.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)