Nehemiah 9:29 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
At iyong binalaan sila upang maibalik sila sa iyong kautusan. Ngunit kumilos silang may kapangahasan, at hindi tinupad ang iyong mga utos, kundi nagkasala laban sa iyong mga batas, na kung tutuparin ito ng isang tao, siya'y mabubuhay, at iniurong ang balikat at pinatigas ang kanilang leeg at hindi sumunod.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Pinaalalahanan nʼyo po sila na tumupad muli sa inyong Kautusan, pero naging mapagmataas sila at hindi nila tinupad ang inyong mga utos. Nagkasala sila laban sa inyong mga utos na nagbibigay ng totoong buhay sa tumutupad nito. Sa katigasan ng kanilang mga ulo tumalikod sila sa inyo, at ayaw nilang makinig sa inyo.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At sumaksi ka laban sa kanila, upang mangaibalik mo sila sa iyong kautusan. Gayon may nagsigawa sila na may kapalaluan, at hindi dininig ang iyong mga utos, kundi nangagkasala laban sa iyong mga kahatulan, (na kung gawin ng isang tao, siyay mabubuhay sa kanila,) at iniurong ang balikat at nagpatigas ng kanilang leeg, at hindi nangakinig.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Binabalaan mo silang manumbalik sa iyong Kautusan, ngunit sa kanilang kapalalua'y lalo nilang nilabag ito. Kahit na ang Kautusan mo ay nagbibigay-buhay, sa katigasan ng kanilang ulo'y sinuway nila iyon.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Binabalaan mo silang manumbalik sa iyong Kautusan, ngunit sa kanilang kapalalua'y lalo nilang nilabag ito. Kahit na ang Kautusan mo ay nagbibigay-buhay, sa katigasan ng kanilang ulo'y sinuway nila iyon.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Binabalaan mo silang manumbalik sa iyong Kautusan, ngunit sa kanilang kapalalua'y lalo nilang nilabag ito. Kahit na ang Kautusan mo ay nagbibigay-buhay, sa katigasan ng kanilang ulo'y sinuway nila iyon.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At sumaksi ka laban sa kanila, upang mangaibalik mo sila sa iyong kautusan. Gayon ma'y nagsigawa sila na may kapalaluan, at hindi dininig ang iyong mga utos, kundi nangagkasala laban sa iyong mga kahatulan, (na kung gawin ng isang tao, siya'y mabubuhay sa kanila,) at iniurong ang balikat at nagpatigas ng kanilang leeg, at hindi nangakinig.