Numbers 1:13 — Compare Translations

5 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
kay Aser: si Fegiel na anak ni Ocran;
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Sila ang mga lalaking nabilang nina Moises at Aaron at ng 12 pinuno ng Israel. Ang bawat isa sa kanila ay kumakatawan sa kani-kanilang pamilya. Sila ay 20 taong gulang pataas at may kakayahang maging sundalo ng Israel. 46Ang kabuuang bilang nila ay 603,550 lahat. 47Pero hindi kasama rito ang mga lahi ni Levi. 48Sapagkat sinabi ng Panginoon kay Moises, 49“Huwag ninyong isama ang lahi ni Levi sa sensus kasama ng ibang mga Israelita, na magsisilbi sa panahon ng labanan. 50Sa halip, ibigay sa kanila ang responsibilidad na pamahalaan ang Tolda na kinalalagyan ng aking mga utos at ng lahat ng kagamitan nito. Sila ang magdadala ng Tolda at ng lahat ng kagamitan nito, at kailangang pangalagaan nila ito at magkampo sila sa paligid nito. 51Kapag lilipat na ang Tolda, sila ang magliligpit nito. At kung itatayo naman, sila rin ang magtatayo nito. Ang sinumang gagawa ng ganitong gawain sa Tolda na hindi Levita ay papatayin. 52Magkakampo ang mga Israelita ayon sa bawat lahi nila, at may bandila ang bawat lahi. 53Pero ang mga Levita ay magkakampo sa paligid ng Tolda na kinalalagyan ng aking mga utos, para hindi ako magalit sa mga mamamayan ng Israel. Ang mga Levita ang responsable sa pangangalaga ng Tolda na kinalalagyan ng aking mga utos.” 54Ginawa itong lahat ng mga Israelita ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Sa lipi ni Aser; si Phegiel na anak ni Ocran.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
47Ang mga Levita ay hindi kabilang sa sensus na ito 48sapagkat ganito ang bilin ni Yahweh kay Moises: 49“Huwag mong isasama sa sensus ng Israel ang mga Levita. 50Sa kanila mo ibibigay ang tungkulin ng paglilingkod sa Toldang Tipanan. Itatayo nila ang kanilang mga tolda sa paligid ng Toldang Tipanan at sila ang bubuhat nito pati ang mga kasangkapan nito. 51Kung kailangang tanggalin ang tabernakulo, sila ang magtatanggal at kung kailangang itayong muli, sila rin ang magtatayo. At sinumang lumapit sa tabernakulo liban sa kanila ay dapat patayin. 52Ang mga lipi ng Israel ay magtatayo ng kanya-kanyang tolda sa ilalim ng kani-kanilang watawat. 53Ang mga Levita naman ay magtatayo ng kanilang mga tolda sa paligid ng Toldang Tipanan para walang ibang makalapit dito, sapagkat kapag may ibang lumapit dito, tiyak na paparusahan ko ang buong Israel. Ang mga Levita nga ang mangangalaga sa Toldang Tipanan.” 54Ang lahat ng mga utos na ito ni Yahweh ay sinunod ng mga Israelita.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Sa lipi ni Aser; si Phegiel na anak ni Ocran.