Numbers 13:30 — Compare Translations

4 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ngunit pinatahimik ni Caleb ang bayan sa harapan ni Moises, at sinabi, "Ating akyatin agad at sakupin sapagkat kayang kaya nating lupigin iyon."
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At pinatahimik ni Caleb ang bayan sa harapan ni Moises, at sinabi, Ating akyating paminsan, at ating ariin; sapagkat kaya nating lupigin.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Subalit pinatahimik ni Caleb ang mga taong-bayan na nagrereklamo na noon kay Moises. Sinabi ni Caleb, “Hindi tayo dapat mag-aksaya ng panahon. Lusubin na natin sila sapagkat kaya natin silang gapiin.”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At pinatahimik ni Caleb ang bayan sa harapan ni Moises, at sinabi, Ating akyating paminsan, at ating ariin; sapagka't kaya nating lupigin.