Numbers 18:24 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Sapagkat ang ikapu ng mga anak ni Israel na kanilang ihahandog bilang handog sa PANGINOON ay aking ibinigay sa mga Levita bilang mana. Kaya't aking sinabi sa kanila, 'Sa gitna ng mga anak ni Israel ay hindi sila magkakaroon ng mana.'"
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Sa halip, ibibigay ko sa kanila bilang kanilang bahagi ang mga ikapu na ibinibigay ng mga Israelita bilang handog nila sa akin. Iyan ang dahilan kung bakit sinasabi ko na ang mga Levita ay walang mamanahing lupa sa Israel.”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Sapagkat ang ikasangpung bahagi ng tinatangkilik ng mga anak ni Israel na kanilang ihahandog na pinakahandog na itinaas sa Panginoon, ay aking ibinigay sa mga Levita na pinakamana: kayat aking sinabi sa kanila, Sa gitna ng mga anak ni Israel ay hindi sila magkakaroon ng mana.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
sapagkat ang bahagi ng mga Levita ay ang ikasampung bahagi ng buong Israel, kaya ko sinabing wala silang kaparte sa Israel.”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
sapagkat ang bahagi ng mga Levita ay ang ikasampung bahagi ng buong Israel, kaya ko sinabing wala silang kaparte sa Israel.”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
sapagkat ang bahagi ng mga Levita ay ang ikasampung bahagi ng buong Israel, kaya ko sinabing wala silang kaparte sa Israel.”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Sapagka't ang ikasangpung bahagi ng tinatangkilik ng mga anak ni Israel na kanilang ihahandog na pinakahandog na itinaas sa Panginoon, ay aking ibinigay sa mga Levita na pinakamana: kaya't aking sinabi sa kanila, Sa gitna ng mga anak ni Israel ay hindi sila magkakaroon ng mana.