Numbers 21:23 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ngunit hindi pinahintulutan ni Sihon ang Israel na dumaan sa kanyang nasasakupan. Tinipon ni Sihon ang kanyang buong bayan, at lumabas sa ilang laban sa Israel at dumating sa Jahaz, at nilabanan ang Israel.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Pero hindi pumayag si Sihon na dumaan ang mga Israelita sa kanyang teritoryo. Sa halip, tinipon niya ang kanyang mga sundalo at nagpunta sila sa disyerto para salakayin ang mga Israelita. Pagdating nila sa Jahaz, nakipaglaban sila sa mga Israelita.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At hindi ipinahintulot paraanin ni Sehon ang Israel sa kaniyang hangganan: kungdi pinisan ni Sehon ang kaniyang buong bayan, at lumabas sa ilang laban sa Israel at dumating hanggang Jahaz: at nilabanan ang Israel.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Subalit hindi sila pinahintulutan ni Haring Sihon; sa halip, tinipon niya ang kanyang hukbo at sinalakay ang mga Israelita sa Jahaz.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Subalit hindi sila pinahintulutan ni Haring Sihon; sa halip, tinipon niya ang kanyang hukbo at sinalakay ang mga Israelita sa Jahaz.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Subalit hindi sila pinahintulutan ni Haring Sihon; sa halip, tinipon niya ang kanyang hukbo at sinalakay ang mga Israelita sa Jahaz.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)