Numbers 24:20 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Pagkatapos siya'y tumingin sa Amalek, at binigkas ang kanyang talinghaga na sinasabi, "Ang Amalek ay siyang dating nangunguna sa mga bansa; ngunit sa huli siya ay mapupuksa."
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Pagkatapos, nakita ni Balaam sa kanyang pangitain ang mga Amalekita at sinabi niya, “Ang Amalek noon ang nangunguna sa mga bansa, pero sa huli, babagsak ito.”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At kaniyang minasdan ang Amalec, at ibinadya ang kaniyang talinhaga, at sinabi, Ang Amalec ay siyang dating panguna sa mga bansa; Ngunit ang kaniyang huling wakas ay mapupuksa.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Nang makita niya sa pangitain ang Amalek ay ganito ang sinabi niya: “Ang Amalek ay bansang pangunahin, ngunit sa huli, siya ay lilipulin.”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Nang makita niya sa pangitain ang Amalek ay ganito ang sinabi niya: “Ang Amalek ay bansang pangunahin, ngunit sa huli, siya ay lilipulin.”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Nang makita niya sa pangitain ang Amalek ay ganito ang sinabi niya: “Ang Amalek ay bansang pangunahin, ngunit sa huli, siya ay lilipulin.”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At kaniyang minasdan ang Amalec, at ibinadya ang kaniyang talinhaga, at sinabi, Ang Amalec ay siyang dating panguna sa mga bansa; Nguni't ang kaniyang huling wakas ay mapupuksa.