Numbers 26:9 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ang mga anak ni Eliab ay sina Nemuel, Datan, at Abiram. Ito ang Datan at Abiram na pinili mula sa kapulungan na siyang naghimagsik laban kay Moises at laban kay Aaron sa pangkat ni Kora nang sila'y naghimagsik laban sa PANGINOON.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
at ang mga anak ni Eliab ay sina Nemuel, Datan at Abiram. Itong sina Datan at Abiram ay ang mga pinuno ng kapulungan na sumama kay Kora sa pagrerebelde sa Panginoon sa pamamagitan ng paglaban kina Moises at Aaron.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At ang mga anak ni Eliab; ay si Nemuel, at si Dathan, at si Abiram. Ito yaong Dathan at Abiram, na tinawag sa kapisanan na siya ngang nagsilaban kay Moises at kay Aaron, sa pulutong ni Core, nang silay lumaban sa Panginoon;
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
at ang mga anak ni Eliab ay sina Nemuel, Datan at Abiram. Sina Datan at Abiram, kasama ng pangkat ni Korah, ang nagpasimuno sa mga Israelita ng paghihimagsik laban kina Moises at Aaron, at kay Yahweh.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
at ang mga anak ni Eliab ay sina Nemuel, Datan at Abiram. Sina Datan at Abiram, kasama ng pangkat ni Korah, ang nagpasimuno sa mga Israelita ng paghihimagsik laban kina Moises at Aaron, at kay Yahweh.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
at ang mga anak ni Eliab ay sina Nemuel, Datan at Abiram. Sina Datan at Abiram, kasama ng pangkat ni Korah, ang nagpasimuno sa mga Israelita ng paghihimagsik laban kina Moises at Aaron, at kay Yahweh.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At ang mga anak ni Eliab; ay si Nemuel, at si Dathan, at si Abiram. Ito yaong Dathan at Abiram, na tinawag sa kapisanan na siya ngang nagsilaban kay Moises at kay Aaron, sa pulutong ni Core, nang sila'y lumaban sa Panginoon;