Numbers 28:8 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ang isang kordero ay iyong ihahandog sa paglubog ng araw gaya ng handog na butil sa umaga. Gaya ng handog na inumin ay iyong ihahandog iyon bilang isang handog na pinaraan sa apoy, bilang mabangong samyo sa PANGINOON.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Ito rin ang gagawin ninyo sa ikalawang tupa na ihahandog ninyo sa hapon. Samahan din ninyo ito ng isang handog bilang pagpaparangal sa Panginoon at handog na inumin. Ang mabangong samyo ng handog na ito sa pamamagitan ng apoy ay makalulugod sa Panginoon.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At ang isang kordero, ay iyong ihahandog sa paglubog ng araw: gaya ng handog na harina sa umaga, at gaya ng handog na inumin niyaon, ay iyong ihahandog, isang handog na pinaraan sa apoy, na pinakamasarap na amoy sa Panginoon.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ang isa pang tupa ay ihahandog nga sa hapon at sasamahan din ng handog na pagkaing butil at handog na inumin, tulad ng handog sa umaga, upang ang usok nito'y maging mabangong samyo para sa akin.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Ang isa pang tupa ay ihahandog nga sa hapon at sasamahan din ng handog na pagkaing butil at handog na inumin, tulad ng handog sa umaga, upang ang usok nito'y maging mabangong samyo para sa akin.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Ang isa pang tupa ay ihahandog nga sa hapon at sasamahan din ng handog na pagkaing butil at handog na inumin, tulad ng handog sa umaga, upang ang usok nito'y maging mabangong samyo para sa akin.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)