Numbers 28:9 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
"Sa araw ng Sabbath ay dalawang korderong lalaki na isang taong gulang. na walang kapintasan, at dalawang ikasampung bahagi ng isang efa ng piling harina bilang handog na butil na hinaluan ng langis, at ang handog na inumin niyon.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
“ ‘Sa araw ng Pamamahinga, maghandog kayo ng dalawang tupa na isang taong gulang at walang kapintasan, kasama ang handog na inumin at ang handog bilang pagpaparangal sa Panginoon na apat na kilo ng magandang klaseng harina na hinaluan ng langis.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At sa araw ng sabbath ay dalawang korderong lalake ng unang taon na walang kapintasan, at dalawang ikasangpung bahagi ng isang epa ng mainam na harina, na pinakahandog na harina na hinaluan ng langis, at ang handog na inumin niyaon:
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
“Tuwing Araw ng Pamamahinga, dalawang lalaking tupang tig-iisang taóng gulang at walang kapintasan ang inyong ihahandog. Sasamahan din ito ng handog na pagkaing butil at handog na inumin. Ang handog na pagkaing butil ay isang salop na harina at minasa sa langis ng olibo.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
“Tuwing Araw ng Pamamahinga, dalawang lalaking tupang tig-iisang taóng gulang at walang kapintasan ang inyong ihahandog. Sasamahan din ito ng handog na pagkaing butil at handog na inumin. Ang handog na pagkaing butil ay isang salop na harina at minasa sa langis ng olibo.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
“Tuwing Araw ng Pamamahinga, dalawang lalaking tupang tig-iisang taóng gulang at walang kapintasan ang inyong ihahandog. Sasamahan din ito ng handog na pagkaing butil at handog na inumin. Ang handog na pagkaing butil ay isang salop na harina at minasa sa langis ng olibo.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)