Philemon 1:20 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Oo, kapatid, hayaan mo ng magkaroon ako ng kapakinabangan na ito mula sa iyo sa Panginoon! Sariwain mo ang aking puso kay Cristo.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Kaya kapatid, pagbigyan mo sana ang aking kahilingan alang-alang sa Panginoon. Paligayahin mo ang puso ko bilang kapatid kay Cristo.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Oo, kapatid, magkaroon nawa ako ng katuwaan sa iyo sa Panginoon: panariwain mo ang aking puso kay Cristo.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ipinapakiusap ko lamang sa iyo, alang-alang sa Panginoon, hayaan mo namang maranasan ko ang pakinabang na ito. Pasayahin mo naman ako bilang kapatid kay Cristo!
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Ipinapakiusap ko lamang sa iyo, alang-alang sa Panginoon, hayaan mo namang maranasan ko ang pakinabang na ito. Pasayahin mo naman ako bilang kapatid kay Cristo!
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Ipinapakiusap ko lamang sa iyo, alang-alang sa Panginoon, ipagkaloob mo na sa akin ito. Pasayahin mo ako bilang kapatid kay Cristo.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Oo, kapatid, magkaroon nawa ako ng katuwaan sa iyo sa Panginoon: panariwain mo ang aking puso kay Cristo.