Philemon 1:6 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Idinadalangin ko na ang pamamahagi ng iyong pananampalataya ay maging mabisa kapag nalaman mo ang bawat mabuting bagay na maaari nating gawin para kay Cristo.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Idinadalangin ko na sana ang pagiging mapagbigay mo, na bunga ng iyong pananampalataya, ay magpatuloy habang lumalago ang iyong pang-unawa sa lahat ng mabubuting bagay na ibinigay sa atin dahil tayoʼy nakay Cristo.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Upang ang pakikipagkaisa ng iyong pananampalataya, ay maging mabisa sa pagkaalam ng bawat mabuting bagay na nasa iyo, sa kay Cristo.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Idinadalangin kong ang pagkakabuklod natin sa isang pananampalataya ay magbunga ng lubos na pagkaunawa sa mga kabutihang dulot ng ating pakikipag-isa kay Cristo.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Idinadalangin kong ang pagkakabuklod natin sa isang pananampalataya ay magbunga ng lubos na pagkaunawa sa mga kabutihang dulot ng ating pakikipag-isa kay Cristo.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Idinadalangin kong ang pagkakabuklod natin sa isang pananampalataya ay magbunga ng mas malalim na pagkaunawa sa mga kabutihang dulot ng ating pakikipag-isa kay Cristo.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Upang ang pakikipagkaisa ng iyong pananampalataya, ay maging mabisa sa pagkaalam ng bawa't mabuting bagay na nasa iyo, sa kay Cristo.