Philippians 3:4 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
bagama't ako'y may dahilang magtiwala rin sa laman. Kung ang iba ay may dahilang magtiwala sa laman, ay lalo na ako:
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Kung sabagay, mayroon akong maipagmamalaki kung ang pagsunod sa mga seremonya ang pag-uusapan. Kung iniisip ninuman na may katuwiran siyang magmalaki sa mga bagay na ito, lalo na ako.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Bagamat akoy makapagkakatiwala sa laman: na kung ang iba ay nagaakala na may pagkakatiwala sa laman, ay lalo na ako:
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ang totoo, ako'y may sapat na dahilan upang panghawakan ang mga panlabas na seremonya. Kung iniisip ninuman na siya'y may katuwirang umasa sa ganitong gawain, lalo na ako.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Ang totoo, ako'y may sapat na dahilan upang panghawakan ang mga panlabas na seremonya. Kung iniisip ninuman na siya'y may katuwirang umasa sa ganitong gawain, lalo na ako.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Ang totoo, ako'y may sapat na dahilan upang panghawakan ang mga pisikal na bagay. Kung iniisip ninuman na siya'y may katuwirang umasa sa ganitong mga bagay, lalo na ako.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Bagama't ako'y makapagkakatiwala sa laman: na kung ang iba ay nagaakala na may pagkakatiwala sa laman, ay lalo na ako: