Proverbs 29:15 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ang pamalo at saway ay nagbibigay ng karunungan, ngunit ang batang pinababayaan, sa kanyang ina ay nagbibigay kahihiyan.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Ang pagpalo sa bata upang siya ay ituwid ay makapagtuturo sa kanya ng karunungan, ngunit kung pababayaan lang siya, makapagbibigay siya ng kahihiyan sa kanyang magulang.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Ang pamalo at saway ay nagbibigay karunungan: ngunit ang batang binabayaan ay humihiya sa kaniyang ina.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Disiplina at pangaral, hatid ay karunungan; ngunit ang batang suwail, sa magulang ay kahihiyan.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Disiplina at pangaral, hatid ay karunungan; ngunit ang batang suwail, sa magulang ay kahihiyan.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Disiplina at pangaral, hatid ay karunungan; ngunit ang batang suwail, sa magulang ay kahihiyan.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Ang pamalo at saway ay nagbibigay karunungan: nguni't ang batang binabayaan ay humihiya sa kaniyang ina.