Psalms 138:6 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Bagaman ang PANGINOON ay mataas, kanyang pinapahalagahan ang mababa; ngunit ang palalo ay nakikilala niya mula sa malayo.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Panginoon, kahit kayoʼy dakila sa lahat, nagmamalasakit kayo sa mga aba ang kalagayan. At kahit nasa malayo ka ay nakikilala mo ang lahat ng mga hambog.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Sapagkat bagaman ang Panginoon ay mataas, gumagalang din sa mababa: ngunit ang hambog ay nakikilala niya mula sa malayo.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Kung ang Diyos mang si Yahweh ay dakila at mataas, hindi niya nililimot ang abâ at mahihirap; kumubli ma'y kita niya ang hambog at ang pasikat.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Kung ang Diyos mang si Yahweh ay dakila at mataas, hindi niya nililimot ang abâ at mahihirap; kumubli ma'y kita niya ang hambog at ang pasikat.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Kung ang Diyos mang si Yahweh ay dakila at mataas, hindi niya nililimot ang abâ at mahihirap; kumubli ma'y kita niya ang hambog at ang pasikat.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Sapagka't bagaman ang Panginoon ay mataas, gumagalang din sa mababa: nguni't ang hambog ay nakikilala niya mula sa malayo.