Psalms 144:14 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
ang mga baka namin nawa ay manganak na walang makukunan o mawawalan, huwag nawang magkaroon ng daing ng pagdadalamhati sa aming mga lansangan!
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
at dumami rin sana ang maikargang produkto ng aming mga baka. Hindi na sana kami salakayin at bihagin ng mga kaaway. Wala na rin sanang iyakan sa aming mga lansangan dahil sa kalungkutan.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Pagka ang mga baka namin ay napapasanang mabuti; pagka walang salot, at sakuna, at walang panaghoy sa aming mga lansangan;
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Mga kawan natin, sana'y dumami rin at huwag malagas ang kanilang supling; sa ating lansangan, sana'y mawala na ang mga panaghoy ng lungkot at dusa!
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Mga kawan natin, sana'y dumami rin at huwag malagas ang kanilang supling; sa ating lansangan, sana'y mawala na ang mga panaghoy ng lungkot at dusa!
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Mga kawan natin, sana'y dumami rin at huwag malagas ang kanilang supling; sa ating lansangan, sana'y mawala na ang mga panaghoy ng lungkot at dusa!
Tagalog TLBA (Ang Biblia)